418 - Nangako Siya sa mga Tapat

Nangako Siya sa mga tapat
Ang sabi'y Ako ay babalik agad,
Kaya't maghintay kayo't magpuyat
Manatiling tapat hanggang sa wakas.

REFRAIN

Tibayan hanggang ako'y dumating
Bayang nauli'y inyong tanggapin
Putong na tala roo'y kakamtin
Magtibay nga kayo't Ako'y hintayin.

Kaya't magpuyat sa pagdalangin,
Ilawan ninyo ay papagningasin,
Ang pagparito Niya'y di lihim
Lamang ang araw ay di alam natin.

REFRAIN

Tibayan hanggang ako'y dumating
Bayang nauli'y inyong tanggapin
Putong na tala roo'y kakamtin
Magtibay nga kayo't Ako'y hintayin.

Ito angating tanging pag-asa
Sa mga Kasulata'y nababasa,
Ang ating puso ay sumisigla
Kung maalaalang darating Siya.

REFRAIN

Tibayan hanggang ako'y dumating
Bayang nauli'y inyong tanggapin
Putong na tala roo'y kakamtin
Magtibay nga kayo't Ako'y hintayin.

0:00 0:00